Friday, July 24, 2015

History of Bagumbayan Santa Cruz Laguna





HISTORY of BARANGAY BAGUMBAYAN
                   Ang Barangay Bagumbayan ay nasa kanlurang bahagi ng Bayan ng Santa Cruz na ang katabing
Barangay ay Barangay Gatid, Barangay Bubukal at Barangay Calios.

                   Ang kasaysayang ito na aming nilinang ay nagpasalin-salin na sa bawat saling lahi. Noon ay kaunti lamang ang naninirahan ditto sa nasabing Barangay na kung saan ay isang mag-asawa na naninirahan sa gitnang bahagi ng Barangay ang aksidenten nakahukay ng isang estatwa ni San Miguel Arkangel na may suot na koronang purong ginto. Ang balitang ito ay kumulat at ang mga tao na nasa ibang lugar ay dumarayo sa nasabing lugar upang Makita lamang ang Santo. Subalit ang iba na di nasiyahan sa pagbisita lamang ay nanigilan na ng pirmihan sa nasabing lugar dahil sa ditto ay may magandang klima, malusog ang lupain at malapit sa Laguna De Bay. Sila ay di naniniwala na ang pagkakahukay nila sa nasabing santo ang nagbigay sa kanila ng magandang suwerte.

                    Mula noon ang naninirahan ditto ay tinawag ang lugar na “Bagong Bayan” na ang ibig sabihin ay “bagong tuklas na bayan” at sa pagdaan ng panahon tinawag na itong Barangay Bagumbayan.
 







No comments:

Post a Comment